Ang kalupi ni benjamin pascual maikling kwento

  • Ang kalupi ni benjamin pascual maikling kwento
  • Ang kalupi ni benjamin pascual maikling kwento

  • Biography books
  • Ang kalupi ni benjamin pascual maikling kwento buod
  • Ang Kalupi (Maikling Kwento) ni Benjamin P. Pascual
  • Ang kalupi ni benjamin pascual script
  • Tagpuan ng ang kalupi ni benjamin pascual
  • Ang Kalupi (Maikling Kwento) ni Benjamin P. Pascual!

    Ang Kalupi

    Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong.

    Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga.

    At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan.

    Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan.

    Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na.

    Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya.

    Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang putting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, a